-- Advertisements --
Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko na baka nakarating na sa bansa ang Nipah virus.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergerie na hindi dapat mag-aalala ang publiko dahil sa mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay.
Pinayuhan nito ang publiko na dapat ay maging malinis aniya sa pangangatawan kung ano aniya ang ginagawa noong COVID-19 na pag-iingat ay dapat gawin din ito.
Magugunitang inamin ng DOH na ang nasabing virus ay mabilis na kumalat subalit hindi ito sa pamamagitan ng pagkakahawaan ng bawat indibidwal.