-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko matapos na lumabas sa balita ang pagkalat ng sakit na Mpox o Monkeypox sa Africa.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, walang dapat ipangamba ang publiko hinggil sa naturang sakit.

Aniya, ang mpox ay nagagamot habang malayo rin aniya ang tsansa na matulad ito sa covid-19 pandemic.

Dahil dito, hindi kinakailangang limitahan ang galaw ng publiko kagaya ng nangyaring community quarantine noong nakalipas na pandemya.
.
Di rin inirerekomenda ang paghihigpit sa mga boarders ng bansa, boluntaryong pagsusuot ng facemask at iba pang health procedure.

Sakali man na makaramdam ng sintomas ng monkeypox ay inirerekomenda ng ahsneys na mag isolate.

Kung maaalala, nagdeklara ng World Health Organization ng panibagong public health emergency para sa naturang sakit dahil sa pagkalat ng kaso nito sa Africa.

Kinumpirma rin ng DOH kahapon ang unang kaso ng mpox na naitala ngayong taon na isang 33 years old na lalaking pasyente.