-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na walang basehan ang mga kumakalat na internet post ukol sa sakit na nagmula sa ibang bansa at kumakalat sa maraming lugar.

Ayon sa DOH, walang kumpirmasyon ukol sa usaping ito mula sa nababanggit na pinagmulan o kahit sa World Health Organization (WHO).

Nangangahulugan na walang katotohanan ang ulat at hindi dapat na ibahagi sa iba pa ang ganung impormasyon.

Una rito, maraming post ang nagsasabi na may bagong sakit na lumitaw sa China, habang ang iba naman ay nagsabing nagbabalik ang COVID.

Gayunman, ang mga impormasyon ay mula lamang sa mga hindi nagpapakilalang source at hindi sa opisyal na tanggapan ng mga ahensyang may kinalaman sa nabanggit na concern.

Giit ng DOH, magkaagapay sila ng WHO sa mga adhikain para sa kalusugan at kasama rin dito ang paglalabas lamang ng tama at angkop na impormasyon ukol sa mga verified health concerns.

Kaya ang publiko ay hindi umano dapat na maniwala sa fake news at mag-focus na lamang sa pangangalaga ng kalusugan laban sa mga seasonal flu ngayong panahon.