-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko na walang dapat pang ikabahala kahit na na-detect na sa bansa ang Human Metapneumovirus (HMPV).

Tumaas kasi ang nasabing respiratory infections sa China.

Sinabi ni infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante, na hindi na ito bago kumpara sa COVID.

Subalit , nilinaw niya na ang dahilan ng HMPV ay hindi gaya ng COVID.

Wala naman aniyang pagtaas ng bilang ng mga na-admit sa pagamutan na dinapuan ng nasabing sakit.

Mayroong magandang surveillance ang China at US kaya mabilis na mabantayan ang pananalasa ng HMPV sa bansa.

Ang mga sintomas ng HMPV ay nakakaranas ng pag-ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.

Una ng sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang HMPV ay pang-anim na causative agents ng Influenz-like Illness sa bansa noong nakaraang taon.