-- Advertisements --
Pinagbawalan muna ng Deparment of Health (DOH) ang mga mamamayan na mangisda at maligo sa Marikina River.
Kasunod ito ng magkakasunod na pagkakadiskubre ng mga patay na baboy na hinihinalang dinapuan ng African swine fever (ASF).
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, na posibleng makakuha ng iba’t-ibang sakit gaya ng typhoid, cholera, amoeba at gastroenteritis.
Magugunitang aabot na sa 55 na mga patay na baboy ang natagpuan itinapon sa ilog ng barangay Tumana at Brgy. Nangka.