-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na uminom ng sapat na tubig sa gitna ng inaasahang pagpalo ng mapanganib na heat index na 50°C.

Ginawa ni Health Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo ang paalala kasunod ng forecast ng state weather bureau na posibleng maranasan ang naturang mainit na temperatura sa AS-UPLB in Los Baños, Laguna ngayong araw ng Miyerkules, Abril 16.

Ayon sa opisyal, dapat manatiling hydrated. Depende din sa exposure sa init kung matagal sa labas ng araw ay maaaring uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig.

Nagbabala din ang DOH sa publiko laban sa mga sakit may kaugnayan sa init ng panahon gaya ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke na talamak ngayong dry season.