Lalagyan na ng mga first aid facilities ang mga pangunahing tourist destination sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ayon sa Department of Health(DOH).
Ilang sa mga posibleng maunang tatayuan ng mga naturang pasilidad ay ang Boracay, Siargao, Panglao, La Union, Palawan, Puerto Galera, atbp, sa ilalim ng programang tatawagin bilang Tourist First Aid Facilities program.
Ang mga naturang pasilidad ay magsisilbing emergency response center para sa mga turista na posibleng masangkot sa mga aksidente habang bumibisita sila sa mga naturang lugar.
Magsisilbing staff dito ang mga healthcare professional na dumaan sa akmang training.
Lalagyan din ang mga ito ng sapat na medical supplies at mga medisina para matiyak na magiging epektibo ang pagtulong.
Ang mga itatayong building ay bubuuin ng dalawang palapag. Ang ikalawang palapag ay magsisilbing lifeguard station o viewing deck para mabantayan ang seguridad ng mga turista.
Ang unang palapag naman ang magsisilbing first aid at emergency room.
Ang naturang plan ay sa pagtutulungan ng The Department of Tourism (DOT), DOH at ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Ang mga naturang ahensiya ay una nang pumirma ng Memorandum of Understanding para isa-pormal ang naturang proyekto.