-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Inilagay na sa code white alert ng kagawaran ng kalusugan (DOH) region 2 ang lahat ng mga health personnel bilang paghahanda sa inaasahang pagtama ng Bagyong Ramon sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Val Aaron Taguinin, Health Emergency Management Services Head ng DOH region 2, sinabi niya na nakaantabay na ang kanilang mga health personnel, at iba pang kailangan sakaling magkaroon ng health emergency na dulot ng bagyo
Maraming sakit ang maaaring makuha ngayon dahil sa malamig na ang panahon.
Sa kabila nito ay tiniyak niya na sapat ang kanilang mga gamot para tugunan ang mga sakit.
Nakahanda naman ang ahensiya na magtaas ng alert status depende sa magiging epekto sa lalawigan ng bagyong Ramon.