-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa ng Aggressive Community Testing ang Department of Health (DOH) region 2 sa 3 malalaking lunsod sa ikalawang rehiyon.

Isinagawa ito sa Isabela National High School Gymnasium at San Antonio Covered Court upang maiwasan ang Coronavirus Disease (COVID-19) sa pagkukumpulan ng mga tao.

Target ng DOH region 2 ang tatlong malalaking lungsod sa ikalawang rehiyon na kinabibilangan ng Tuguegarao City, Cauayan City at City of Ilagan na lubhang naapektuhan ng nakaarang pagbaha.

Ayon sa DOH region 2, tinatayang nasa 500 na indibidual ang sumailalim sa swab test nang libre sa City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jong Ventura, kawani ng DOH region 2, sinabi niya na binigyang prayoridad sa Aggressive Community Testing ang mga mga mamamayang lumikas dahil sa baha na ngayon ay may mga nararamdamang sintomas ng sakit, mga senior citizen, may mga comorbidities, buntis, healthcare workers, iba pang frontliners at vendors.

Ayon pa kay Ginoong Ventura, dadalhin nila ang nakolektang 500 specimen sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City para suriin at inaasahang malalaman ang resulta sa loob ng 48 oras.

Inaasahang matatapos ang Aggressive Community Testing sa ika-26 ng Nobyembre 2020.