-- Advertisements --
image 359

Naka-white alert status na ang buong Department of Health (DOH) Region 4A para sa super typhoon Betty mula Mayo 25 hanggang 29.

Saklaw dito ang mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon province.

Itinaas ang alert status sa naturang rehiyon dahil sa track duration.

Bunsod nito hinihikayat ang lahat ng mga lokal na opisyal sa nasabing mga probinsiya sa Calabarzon na itaas ang kanilang code alert dahil ang kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices ay kailangang na gumawa ng kaukulang monitoring at response para sa posibleng epekto ng super typhoon.

Sa ilalim ng white alert status, ang mga medical personnel ay nakalagay sa on-call status para sa agarang mobilization para matiyak ang kahandaan ng mga ospital upang makatugon sa anumang emergency situation.