LA UNION – Umaabot na sa 65 ang naitatalang suicide cases o pagpapakamatay sa buong rehiyon uno, mula Enero hanggang Oktubre sa kasalukuyang taon, base sa datus mula Department of Health (DOH) Region One.
Mula sa nasabing bilang, 26 na kaso ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan; 14 sa La Union; 15 sa Ilocos Norte; at 10 sa Ilocos sur.
Mas marami ang kalalakihan kumpara sa mga babae, mula 24 hanggang 54-anyos, ang nagpapatiwakal.
Lumalabas din sa naturang report, na ang mga suicide cases ay dahilan ng problema sa pamilya, pagmamahal, labis na kalungkutan dahil sa pagpanaw ng mga mahal sa buhay, personal na problema, kahirapan, Covid-19-related, mental illness, at iba pa.
Siniguro naman ng DOH Region 1 na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang sa pagresponde sa mental health issues sa rehiyon sa gitna ng pandemya.
Sa pamamagitan ito ng Tara Usap Tayo Hotline, na kanilang sinimulan noon pang buwan ng Hunyo kasunod ng pagtaas ng depression cases at suicide incidents sa rehiyon.
Ayon sa DOH Region 1, ang mga tumatawag sa hotline (09618151416 at 09454914447) ay tinutulongan ng mga registered psychometricians at psychologists.