MANILA – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga deboto ng Itim na Nazareno na sa kani-kanilang bahay na lang gunitain ang tradisyonal na “Traslacion.”
READ: Despite the preparations on the expected influx of devotees, DOH, together with Quiapo Church and health experts encourages the public to just commemorate Traslacion of the Black Nazarene at home. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/UiqyRU2l8L
— Christian Yosores (@chrisyosores) January 7, 2021
Kasama ng DOH ang mga opisyal ng Quiapo Church at grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) sa apela para maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus.
“Recognizing the annual tradition of the devotees of the Black Nazarene, the DOH, together with the HPAAC and the Minor Basilica of the Black Nazarene called on the the public to refrain from physically visiting Quiapo Church amid the threat of the ongoing COVID-19 pandemic,” nakasaad sa joint press release.
Milyon-milyong deboto ang dumadayo sa Maynila tuwing January 9 para gunitain ang naging biyahe ng imahe ng Black Nazarene noong 1767.
Ayon kay Rev. Monsignor Hernando Coronel, rector ng Quiapo Church, inaasahan pa rin nilang susugod ang ilang deboto dahil sa “Pagpupugay” at “Pagtanaw,” na mga alternatibong aktibidad sa Traslacion.
Kaya naman nakipag-tulungan na sila sa lokal na pamahalaan ng Maynila para striktong maipatupad ang health protocols sa araw ng paggunita.
“Kung maaari po, hindi tayo dumagsa sa simbahan ng Quiapo. Kung maaari tayo ay magdasal bilang isang pamilya sa loob ng ating mga tahanan. Marami rin pong mga parokya sa National Capital Region at kalapit na mga probinsya na nagdiriwang ng novena at fiesta masses, kaya hindi naman tayo kailangan talaga pumunta sa simbahan ng Quiapo,” ani Msgr. Coronel.
‘SUPERSPREADER EVENT’
Kasabay ng paalala ng health at church officials, nagbabala ang isang eksperto tungkol sa kaakibat na banta ng pagpunta sa matataong lugar at pagtitipon.
Ayon sa infectious diseses expert, at HPAAC member na si Dr. Anna Ong-Lim, ang mga paggunita tulad ng Traslacion ay may potensyal na maging “superspreader event.”
“Puwede itong ma-characterize as a superspreader event dahil magkakaroon tayo ng mass gathering sa konteksto na nagaabang tayo ng surge, at nandiyan din ang concern about the UK variant,” ani Dr. Ong-Lim.
Una nang naglabas ng advisory ang HPAAC ukol sa mga aktibidad ng kinanselang pagtitipon.
REMINDERS
Kabilang sa mga apela ng Health department sa mga deboto ang pagdalo na lang sa online masses ng Quiapo Church sa araw ng Sabado.
Batay kasi sa anunsyo ng Minor Basilica, magsasagawa sila ng serye ng mga misa, na ie-ere via online.
Pero ayon sa DOH, kung hindi talaga maiiwasan at may mga magpupumilit pumunta ng simbahan ng Itim na Nazareno, narito ang mga dapat tandaan:
- Ensure that there is proper ventilation in the place of gathering;
- Always observe physical distancing of at least one meter when going to public or crowded places;
- Wear your face mask and face shield properly;
- Keep your visit short (as much as possible, not exceeding 15 mins);
- Always wash or sanitize your hands, especially after touching high-touch surfaces;
- Follow the health protocols implemented by the Church and of the local government authorities;
and - Cancel your travel plans if you feel any symptoms of COVID-19.
Binigyang diin ni Health Sec. Francisco Duque III ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards para maiwasan ang banta ng hawaan ng coronavirus.
“Huwag nating hayaang mapasukan ng COVID-19 ang pagdiriwang ng paniniwala sa itim na Nazareno ng ating mga kababayang deboto. Kumilos tayo ng iisa upang tuluyan nating matiyak na ang ating pananampalataya ay naipagdiriwang natin ng lubos at ligtas,” ani Duque.