Todo paalala ngayon ang Department of Health (DOH) sa mga magulang at publiko na ‘wag maging kampante kahit pinapayagan na ng gobyenro ang limang taong gulang na bata at pataas ang edad na makalabas ng kanilang mga bahay.
Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega, dapat pa ring sundin ng mga bata ang umiiral na standard public health protocols habang nasa labas ng kanilang tahanan.
Gayundin ang mga local gov’t units ay nasa kanilang mga kamay o discretion ang pagpapatupad ng bagong polisiya.
Inihalimbawa ni Usec Vega na may mga lugar kasi na mas mataas ang quarantine position bunsod na mataas ang bilang ng mga COVID cases na delikado rin sa mga bata.
Sinasabing ang ilang LGUS ay hindi pabor sa naturang bagong polisiya.
Samanatala, ang Metro Manila Council ay muling magpupulong upang kunan pa ng opinyon ang iba pangf mga eksperto kung talaga nga bang ligtas na maging sa mga bagong variants ng COVID-19 ang mga bata na lalabas sa kanilang mga bahay.