Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag magtutungo at magpapagamot sa mga hindi otorisadong medical facilities para sa mga pasyenteng may coronavirus disease.
Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng ginawang pamamalakay ng mga otoridad sa mga iligal na Chinese clinics na gumagamot sa mga COVID-19 patients kamakailan.
Sa pahayag ng DOH, lalo lamang malalagay sa panganib ang kalusugan ng publiko kung sa ganitong mga pasilidad pupunta imbis na sa mga accredited na ospital.
“DOH continues to reiterate that the public should only seek treatment from licensed health facilities from licensed physicians and healthcare workers, using FDA approved medications and medical devices. Doing otherwise might result in harm,” saad sa pahayag.
Nakikipag-ugnayan na rin daw ang kagawaran sa mga kinauukulan upang tugunan ang isyu sa mga iligal na Chinese hospitals.
“Likewise we continue to do contact tracing for all COVID-19 patients and are working with the proper authorities to address these clandestine hospitals,” anang ahensya.
Hinimok din ng DOH ang publiko na i-report sa mga otoridad ang ganitong uri ng mga pasilidad.
“While we have not received any reports about clandestine hospitals for Filipino patients, we encourage everyone to report these unlicensed facilities because they endanger our health.”