-- Advertisements --

Muling hinikayat ng Department of Health (DoH) ang publiko na sumunod sa “4s” campaign ng pamahalaan para maiwasan ang dengue.

Kabilang dito ang:

1. Search and destroy
2. Self-protection measures
3. Seek early consultant
4. Say no to indiscriminate fogging

Ito ay kasunod na rin ng pagtaas ng kaso ng dengue sa 223 percent ngayong unang dalawang buwan ng 2019 kung ikukumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, sa ngayon ay wala pang gamot para sa dengue kayat mainam na linisan ang mga posibleng puwedeng pagpugaran ng mga lamok.

Sa data ng DoH, nasa mahigit 31,000 na kaso na ng dengue ang naitala mula noong Enero 1 hanggang Pebrero 16.
Pinakamaraming kaso umano ang naitala sa Central Visayas, na sinusundan naman ng Calabarzon.