Walang dapat ipangamba ang publiko sa pagbubukas ng bansa sa mas marami pang turista simula Abril.
Ayon kay Department of Health (DOH) Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magpapatupad pa rin naman ng safety procotols ang pamahalaan at patuloy pa ring magbabantay ang kagawaran sa magiging sitwasyon sa mga susunod na buwan.
Samantala, nilinaw ni Vergeire na wala pang naitatalang kaso ng tinaguriang “Deltacron” variant ng Croronavirus Disease 2019 dito sa Pilipinas.
Base aniya sa mga pag-aaral ng mga eksperto, nabatid na wala naman masyadong pagkakaiba ang naturang variant sa Omicron.
Hindi rin aniya ito nagpapakita ng mas malalang uri ng infections at hindi rin mas transmissible o nakakahawa.
Gayunman, ibayong pag-iingat pa rin naman ang kailangan.