-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakatakda umanong imbitahan ng Senado si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III para sa susunod nilang pagdinig kaugnay sa imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Senator Risa Hontiveros, inaasahan nila na sa susunod nilang pagdinig sa isyu ng PhilHealth ay haharap na sa kanila si Duque upang makatulong sa kanilang imbestigasyon.

Aniya, nananatiling tahimik ang kalihim mula nang pumutok ang balitang koraspyon sa PhilHealth kung saan naidawit ang kaniyang pangalan.

Giit ng mambabatas, imposible umanong walang alam si Duque sa mga pangyayari dahil naging presidente ito ng korporasyon noong 2001 hanggang 2005.

Inihayag ni Hontiveros, mapipilitan umanong maglabas ng subpoena ang mataas na kapulungan kung hindi dadalo ang opisyal.