-- Advertisements --

Inatasan ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga namumuno ng iba’t-ibang government hospitals na tukuyin ang mga fire hazards sa kanilang gusali.

Kasunod ito sa naganap na pagkakasunog sa bahagi ng Philippine General Hospital (PGH) sa lungsod ng Maynila.

Sinabi nito na mahalaga ang pag-identify ng mga lugar kung saan ang maituturing na fire hazard para ito ay agad na maagapan.

Handa rin aniya ang ilang mga government hospitals na tanggapin ang mga pasyente sakaling may mangyaring sunog sa isang pagamutan.