Posibleng hindi na umano makakahawa pa ng ibang tao si Sen. Sonny Angara matapos na magpositibo itong muli sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maaaring makita pa rin ang virus sa katawan ng mga nakarekober na pasyente.
“But it doesn’t mean that he is still infectious. Tama ‘yung sinabi ng doctors niya na this might be remnants of the virus in his body, but are not necessarily infectious anymore,” wika ni Vergeire.
Nilinaw din ni Vergeire na hindi nirerekomenda ng mga health experts ang Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test kits bilang sukatan ng paggaling sa deadly virus, bagkus paraan lang para ma-detect ang sakit.
Una rito, sa anunyo ng senador, dalawang ulit siyang sinuri noong nakaraang buwan at lumabas na wala nang virus sa kaniyang katawan.
Kaya laking gulat nito nang masuri siya na muling nagpositibo sa nasabing sakit.
Kinailangan ng senador na muling mag-test para makapag-donate sana ng blood plasma na gagamitin sa iba pang pasyente ng COVID-19.
Dahil sa naturang development, sinuri na rin ang kaniyang pamilya para matiyak na ligtas ang mga ito sa naurang virus.
Nabatid na nakauwi ni si Angara noong Abril at nakasama ang pamilya, matapos payagan ng kaniyang doktor.
Hinala ng mambabatas, remnant ng COVID-19 ang na-detect sa pinakahuling test na ginawa sa kaniya.