Siniguro ng DOH na hawak parin nila ng kontrol sa mga social media platforms ng ahensya matapos ang nangyaring technical glitch sa twitter account nito.
Kung matatandaan, napalitan ang pangalan ng DOH bilang “Vela Exchange” at mayroong tweet patungkol sa isang promotion na may reward na matatanggap, ngunit agad naman raw itong nasolusyonan.
“Please be informed that due to a technical glitch in Twitter, which was also experienced by some entities and organizations globally, the DOH’s official Twitter account was renamed to ‘Vela Exchange’ for a short period,” paglilinaw ng ahensya.
Ngayon ay mahigpit ang pagmomonitor ng ahensya sa kanilang twitter account upang masiguro na hindi na ito muling mangyayari.
Nilinaw naman nito na hindi na hack ang account, at sila parin ang may hawak nito, kaya umano agad na identipika ang problema.