-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nakapagsumite na ang local government unit (LGU) ng San Enrique, Iloilo ng kanilang incident report sa Department of Health (DOH) at sa Iloilo Provincial Health Office (PHO) kaugnay sa pagkasira ng 167 Sinovac vaccines.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Suzette Mamon, sinabi nito na nag-iimbestiga na ang PHO sa nangyari.
Napag-alaman na matapos ang nangyaring brownout, hindi kaagad napaandar muli ang refrigerator kung saan nakalagay ang mga bakuna.
Huli na nang napansin na umabot na sa 10 degree Celsius ang temperatura sa refrigerator na dapat sana ay nasa 2 degree Celsius hanggang 8 degree Celsius lamang.