-- Advertisements --
paputok 1024x683

Maagang sinimulan ng Department of Health (DoH) ang kanilang kampanya para sa pag-iwas sa paputok ngayong paparating na holiday season.


Ayon sa DoH, bahagi ito ng kanilang pinalawak na awareness campaign ng pamahalaan para sa kaligtasan ng publiko.
Nabatid na sa kabila kasi ng COVID-19 restrictions noong pagsalubong sa taong 2023 ay nakapagtala pa rin ng mahigit 200 firecracker related injuries, habang may ilan ding naitala noong 2021 at 2022.


Sa bagong campaign material ng DOH, ipinapakita ang isang masayang pamilya na magkakasamang nagkakantahan at nagsasayawan sa pagdiriwang ng holiday season.


Bahagi pa ng kampanya ng ahensya na kumain ng masustansya, gumamit ng facemask kung may sintomas ng sakit, pagtatangkilik lamang ng mga laruan na walang mapanganib na kemikal at pagpapanatili ng kalinisan.
Ginawa umano ito ng kagawaran para mas mahabang panahon na makita ng publiko ang kanilang mga information materials upang mabigyan ng gabay sa kalusugan ang mga mamamayan.