Binigyang diin ng Department of Health na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay nananatiling nakatuon sa pagtitiyak ng ikabubuti ng local at international tourist sa Pilipinas.
Ginawa ni Health Secretary Ted Herbosa ang pahayag kasabay ng pagdalo nito sa kauna-unahang Tourist First Aid Facilities sa bansa.
Ayon sa kalihim, ang inisyatibong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, ito ay maituturing na isang hakbang upang maipakita ang buong commitment ng Department of Health sa pagpapalakas ng kaayusan ng mga local at international tourist na nagtutungo sa mga pangunahing destinasyon sa Pilipinas.
Mandato rin aniya ng DOH na ilapit sa mga turista ang anumang uri ng medical assistance.
Naniniwala rin ang kalihim na malaki ang maitutulong nito sa pagpapanatili ng layunin ng health tourism sa Pilipinas.