Sisiguraduhin ng Department of Health (DOH) na patuloy na makakatanggap ng health services benefits mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga miyembro nito ito’y sa kabila ng ‘walang matatanggap na pondo ang ahensya sa 2025.
Ito’y matapos sabihin ng mataas na kapulungan ng Kongreso na ‘walang matatanggap na pondo ang ahensya sa 2025 dahil sa P600 billion na reserve funds nito.
Kumpyansa rin ang health bureau na trabaho ng PhilHealth na bayaran ang lahat ng health services ng mga miyembro nito kahit pa ‘wala itong natanggap na pondo sa General Appropriations Act.
Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa na isa sa board chairperson ng PhilHealth, ang benefits ng lahat ng inpatient, outpatient, kasama ang special benefit packages na alok ng PhilHealth ay dapat matugunan ng ahensya.
Sa report ng DOH ang total benefit expenditures ng PhilHealth noong 2023 ay umabot sa P74 billion, habang noong 2024 ang total expenditures nito simula noong Enero hanggang Setyembre ay umabot sa P135 billion at kumita umano ang ahensya ng P463.7 billion noong 2023.