Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) matapos ireklamo ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang hindi umano bayad na health care workers ng lalawigan sa COVID-19 response.
DOH “gave” us 11!nurses to augment our hospitals re COVID-19. 2 only got a salary for 2 mos. after workinh for 5 mos. & the 9 didnt get any salary after working for over a month. Only one (1) is left w/ us now! NO ONE GOT ANY BENEFITS in violation of their contract. #SalamatDOH
— Chiz Escudero (@SayChiz) November 19, 2020
Sa isang tweet kinalampag ni Escudero ang ahensya dahil dalawa lang daw mula sa 11 nurse na ipinadala sa Sorsogon ang binayaran. Wala rin umanong nakatanggap ng benepisyo sa kanila.
“DOH gave us 11 nurses to augment our hospitals (for COVID-19. Two only got a salary for two months. After working for 5 months and the 9 didn’t get any salary after working for over a month. Only one is left with us now,” ani Escudero sa online post.
“No one got any benefits in violation of their contract.”
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, lumabas sa kanilang imbestigasyon na siyam na nurses ang na-assign sa Dr. Fernando Duran Sr. Hospital, at lahat sila nabayaran ay noong September 14 matapos mag-resign.
Pagdating naman sa sinasabing hindi natanggap na benepisyo, nilinaw ng opisyal na hindi na sakop ng DOH Administrative Order ang naging serbisyo ng naturang nurses.
“The hazard pay under AO No. 26 is only for those who reported for duty during ECQ from March 16 to May 15. The entrance to duty of said nurses were on June 15 kaya hindi sila nabigyan ng hazard pay.”
Dagdag pa ng DOH spokesperson, may ilan din mula sa mga nag-reklamong nurse ang late nakapag-submit ng requirements kaya delayed na-release ang kanilang sahod.
Sa kabila nito nangako si Usec. Vergeire na iimbestigahan pa rin ng ahensya ang reklamo. Nakasaad daw kasi sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) na tanging mga healthcare workers na nag-trabaho sa enhanced community quarantine areas (ECQ) at modified ECQ ang makakatanggap ng hazard pay.
“Hindi nagkaroon tayo ng pagsasawalang-bahala, mayroon tayong proseso kasi to be able to facilitate the salaries of our employees.”
“Gusto naming i-remind yung healthcare workers na kapag may hinihingi na requirements agad mai-submit para hindi nagkakaroon ng delays dito sa pagpo-proseso ng inyong salaries.”