-- Advertisements --
image 756

Tiniyak ni Department of Health spokesperson and Undersecretary Eric Tayag na handa ang Research Institute for Tropical Medicine na makumpirma ang anumang kaso ng Nipah virus sa bansa.

Sa panayam sa senado, inihayag ni Tayag na ang nipah virus ay hindi katulad ng Covid 19 na mabilis makahawa, ito aniya ay mahirap kumalat sapagkat kapag mataas ang mortality rate at namatay agad ang dinapuan ay hindi na ito kakalat pa.

Kahit na hindi ito katulad ng covid 19 na mabilis makahawa, hindi naman aniya ipinagsasawalang bahala ng ahensya ang nasabing virus.

Ayon pa sa tagapagsalita, unang nagkaroon ng nipah virus outbreak sa bansa noong 2014, kung saan pawang mga kabayo ang naapektuhan.

Nagbabala naman sa publiko si tayag na huwag kumain ng karne na double dead o hot meat. At kung sakaling may ganitong sitwasyon ay agad na i-report upang masuri ng Bureau of Animal Industry.