-- Advertisements --

Suportado ng Department of Health (DOH) ang panawagan ng Department of the Interior and Local Government na ipagbawal ang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong taon kalakip ang ilang kondisyon.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag kanilang sinusuportahan ang naturang panawagan subalit binibigyan din nila mg pang-unawa ang apela sa fireworks industry.

Hinimok din ng opisyal ang mga Pilipino na ipaubaya sa mga propesyunal ang paglalagay ng fireworks display upang hindi magtamo ng injuries.

Una rito, ilang mga lokal na pamahalaan na rin sa bansa ang nagpasa ng mga ordinansa na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok.

Iniulat din ng DOH na nitong Disyembre 26, umaabot na sa 52 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok kung saan 5 dito ay naputulan ng kamay at daliri. Tatlo sa mga biktima ay menor de edad at 2 adults na pawang mga kalalakihan na gumamit ng iligal na Boga, Plapla, Five-star, Goodbye Philippines fireworks, at legal na whistle bomb.