-- Advertisements --

Suportado ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang paghigpit sa mga taon hindi pa nababakunahan.

Sinabi nito na kahit na kailangan ang legal na usapin ay mahalaga ang pagbawas ng paghihigpit sa mga taong bakunado na laban sa COVID-19 para makabukas ang ekonomiya.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III na magkaroon ng “mini bubbles” sa mga fully vaccinated na indibidwal.

Dagdag pa ni Duque na naiparating na niya ang usapin kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra at sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at sinabing kailangang ng polisiya para hindi kuwestiyunin sa korte.