Nadagdagan pa ang bilang ng mga binabantayang pasyente sa bansa matapos makitaan ng sintomas ng 2019 Novel-CoronaVirus (N-CoV).
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa isang press conference ngayong araw.
Ayon sa DOH, nasa 27 na ang bilang ng persons under investigation (PUI) dahil sa kanilang travel record mula Wuhan City, China; gayundin ang pagkakaroon ng ilang parehong sintomas.
Nilinaw naman ng ahensya na puro Chinese nationals ang iniimbestigahan ngayon at walang Pinoy na nakitaan ng N-CoV symptomps.
Batay sa data ng Chinese health authorities nasa higit 4,500 na ang bilang ng infected ng naturang sakit.
Nasa higit 100 naman na ang mga namatay, at higit 30 sa mga ito ang mula sa iba pang mga bansa.
Iginiit ng DOH na wala pang kaso ng N-CoV na naitatala sa bansa kaya paalala ng ahensya sa publiko na maging sensitibo sa mga natatanggap na unconfirmed information.