Target ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna ng Human Papillomavirus (HPV) sa halos isang milliong Grade 4 na estudyante mula sa mga pampublikong paaralan, pati na rin ang iba pang mga estudyante mula sa mga pribadong paaralan sa bansa.
Sa naging pahayag kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sinabi nitong plano ng kanilang ahensya na magsimula ng rollout ng bakuna sa pakikipagtulungan nito sa Department of Education (DepEd) sa ikalawang kwarter ng 2025.
‘Mahal iyong HPV vaccination. P4,000 per dose… Two doses P8,000 per nine-year-old girl. Pinondohan na ako ni President for 2025. For 2025, we can vaccinate all Filipina girls and ang effect niyan, mawawala ang cervical cancer, pahayag ni Sec. Herbosa.
Dagdag pa ni Herbosa na simula noong Enero 6, mahigit kalahating milyong mag-aaral na mula sa Grade 4 ang nakatanggap na umano ng unang doseses ng Human Papillomavirus vaccine sa pamamagitan ng kanilang school-based immunization program.
Samantala sa tala ng International Agency for Research on Cancer ng World Health Organization (WHO) aabot na sa 8,549 na mga babaeng Filipino ang apektado ng cervical cancer at kalahati sa mga nasawi noong 2022.
Dagdag pa nito 95% ng mga kaso ng cervical cancer ay nagmumula sa HPV, isang uri ng sexually transmitted infection na sanhi ng skin-to-skin contact o pakikipagtalik.
Upang mabawasan ang mga panganib na dulot ng virus, inirerekomenda ng DOH na mabakunahan ang mga batang babae simula sa edad na siyam na taon.