-- Advertisements --

Sinisikap ng Pilipinas na ibaba sa tatlong buwan ang interval period bago matanggap ng isang fully vaccinated individual ang kanyang booster shot laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III layon nila na mag-submit sila ng proposal sa vaccine expert panel kung ano ang magiging kabuuang bentahe ng pagbibigay ng mas maagang mga booster shot kung saan mula sa anim na buwan, ay gagawin na lamang ito na tatlong buwan.

Sinimulan ng Pilipinas ang inoculation ng mga healthcare worker na may mga booster shot noong Nobyembre 17 habang ang mga nakatatanda at immunocompromised na indibidwal ay nagsimulang tumanggap ng mga booster shot noong Nobyembre 22.

Simula noong Disyembre 3, sinimulan ng pamahalaan ang pagbibigay ng mga booster shot sa lahat ng fully vaccinated na mga nasa hustong gulang.