-- Advertisements --
Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan laban sa mga iba’t-ibang sakit gaya ng tigdas ang may 10-milyong estudyante sa buong bansa.
Sinabi DOH Secretary Francisco Duque III, na prioridad nilang lagyan ng bakuna ay yung mula kindergarten hanggang Grade 7.
Dagdag pa ng kalihim na ang nabanggit na mga antas ay may mababang coverage ng bakuna.
Paglilinaw pa ng kalihim na ang naging prioridad nila noong nakaraang taon ay yung mga sanggol dahil sa madali silang kapitan ng mga sakit.
Naniniwala din ang kalihim na tapos ang ang panahon ng Dengvaxia scare.