-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda na lahat ng mga pagamutan sa bansa sakaling muli na namang lumobo ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na laging nakahanda lagi agn mga pagamutan sakaling biglang sumipa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mahigpit din ang ginagawa nilang pagmomonitor sa bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.

Aminado ang kalihim na ang paglobo ng kaso ay dahil sa mga paggalaw ng mga tao ngayong Holiday at ang binawasang compliance ng minimum public health standard.