Siniguro naman ng Department of Health (DOH) na matatanggap na sa lalong madaling panahon ng mga health care workers ang kanilang mga COVID-19 benefits.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nagsumite na rin ng mga kaukulang dokumento sa Department of Budget and Management (DBM) upang maipaluwal na ang pondo para sa mga benipisyo ng mga health workers.
Nagpaalala rin naman si Vergieri sa mga health workers na meron pa kasing kaukulang requirement na kailangang sundin sa ilalim ng auditing rules at regulations sa DBM na dapat sundin.
Ito naman aniya ay nakompleto na noong August 19.
Tiniyak din naman ng DBM na kapag natugunan naman daw ng DOH ang mga documentary requirements, agad din nilang bibilisan ang pagpapalabas ng pondo batay naman sa availability ng budget.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Filipino Nurses United secretary general Jocelyn Andam, sinabi nito na sana maipasa na rin sa lalong madaling panahon ang nakabinbin na panukalang batas sa kongreso na may kaugnay sa pagtataas sa sweldo.