-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health na nakahanda ang mga ospital sa bansa para tanggapin ang anumang uri ng emergency cases na may kinalaman sa matinding init ngayong panahon ng Holy Week.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa na nasa code white na ang lahat ng pampublikong ospital sa bansa.

Kabilang sa inaasahang mga emergency cases ay heat stroke at dehydration, at pagkalunod.

Pinayuhan ni Herbosa ang publiko na mahalagang panatilihing protektado ang sarili laban sa matinding init.

Sa mga mag iikot aniya sa ibat ibang simbahan para sa visita iglesia, magpupunta sa mga beach o mamamasyal sa ibat ibang tourist destinations ngayong panahon ng semana santa at bakasyon, sinabi ni herbosa na dapat laging hydrated o palaging uminom ng tubig, wag masyadong babad sa matinding sikat ng araw, at sumilong sa lilim.

Kapag nakaramdam aniya ng kakaiba sa katawan tulad ng matinding pagkauhaw, makabubuti aniyang uminom ng tubig. kapag pinagpawisan naman nang malamig, sumilong o magpunta sa malamig na lugar o may airconditioned unit para magihawahan at maiwasang mauwi ito sa fatigue o heat stroke.

Paalala ni Herbosa mas mabilis makarekober ang katawan kung maaagapan ang pagtugon sa ganitong mga uri ng pakiramdam.
karaniwan aniyang tinatamaan ng ganitong klase ng emergency situation ay mga nakatatanda, mga bata at mga may karamdaman o commorbidity.