-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Health na magagamit nila lahat ang mga Moderna COVID-19 vaccine bago ito nakatakdang mag-expire sa susunod na buwan.

Aabot kasi sa 400,000 doses ng Moderna vaccine ang nalalapit na mag-expire ng hanggang Nobyembre 30.

Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na karamihan sa nasabing mga bakuna ay naipamahagi na nila at naiturok na.

Pinili nila ang mga lugar na mayroong magandang vaccination performance at cold chain capacity.

Karamihan dito ay yung mga nasa Central Luzon at Calabarzon dahil sa mabilisang pagpapabakuna.

Sinabihan na rin nila ang dalawang rehiyon na gamitin ang Moderna vaccines para hindi na masayang.