BUTUAN CITY – Ilulunsad ng Department of Health (DOH) sa rehiyon ng Caraga ang vaccination campaign kontra polio kung saan target nilang mabakunahan ang 95% ng mga batang nasa edad na limang taong gulang pababa.
Napag-alaman base sa record ng DOH-Caraga, nasa 24% pa lamang mula sa target ang naturukan ng polio vaccine sa loob lamang ng 1st semester nitong taon dito lamang sa rehiyon.
Una umanong gagawin ang pambabakuna sa Lanao del Sur, Metro Manila, Davao City at susunod nito ang Caraga Region.
Una ng kinumpirma ng DOH na may dalawa ng kumpirmadong kaso ng polio ang naitala sa pamamagitan ng isang 3-anyos na bata sa Lanao del Sur at 5-anyos naman sa lalawigan ng Laguna.
Kaugnay nito’y nananawagan ang DOH-Caraga sa mga magulang na suportahan ang kanilang kampanyang libreng bakuna kontra polio.