Sumampa na sa 54,222 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw ng Sabado.
Batay sa pinakahuling case bulletin mula sa Department of Health (DOH), nadagdagan ng 1,387 ang mga kaso ng sakit sa loob ng 24 oras.
Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 918 ang fresh cases o confirmed cases na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Nasa 469 naman ang late cases, o mga confirmed cases na lumabas ang test results sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate.
Samantala ang total recoveries ay nasa 14,037 dahil sa 807 na bagong gumaling.
Pumalo naman sa 1,372 ang kabuuang death toll bunsod ng 12 napaulat na bagong namatay dahil sa deadly virus.
Mula sa 12 death cases, siyam ang naitala noong Abril, isa noong Mayo at dalawa noong Hulyo.
Lima rin ang nagmula sa Region 4-A, apat sa Region 3, isa sa NCR, habang ang dalawang pumanaw noong Hulyo ay galing sa Region 7.
Maliban dito, 79 duplicates naman ang tinanggal sa total case count.