-- Advertisements --
Nograles duque vergeire DOH Sokor

Aminado ang Inter-Agency Task Force na nakatutok sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa na posibleng lumawak ng hanggang sa buong South Korea ang ipinatupad na travel ban ng pamahalaan.

Sa ngayon kasi, tanging mga travelers mula North Gyeongsang province ang hindi maaaring pumasok ng Pilipinas.

Sakop din ng temporary travel ban ang mga manggagaling ng Daegu City at Cheongdo county. Hindi naman apektado ang mga galing sa ibang bahagi ng South Korea.

“Filipinos and their foreign spouses or children, and holders of permanent resident and diplomatic visas will be allowed entry subject to existing screening and quarantine protocols,” ani Health Sec. Francisco Duque sa isang statement.

“The travel restriction will be reviewed and re-evaluated within the next 48 hours based on new developments.”

“On the other hand, any travel to South Korea will be temporarily suspended. Only permanent residents of South Korea, Filipinos leaving for study and OFWs returning for work will be allowed provided that they sign a written declaration acknowledging the risks involved which will be complemented with a health advisory pamphlet.”

Ayon kay Duque nakausap na nila ang embahada ng Pilipinas sa Seoul hinggil sa posibilidad ng repatriation sa mga Pinoy doon.

Batay sa latest count ng South Korean health authorities nasa 1,146 na ang COVID-19 cases sa kanilang bansa. Pumalo naman na sa 12 ang namatay.

Sinabi naman ni Sec. Nograles, pag-uusapan na rin nila bukas ang posibilidad na i-lift ang ban na ipinataw sa Macau.

Lalo na’t may higit 200 Pinoy na raw ang nagpahayag ng interes na umuwi ng bansa.