Inamin ng UST Hospital sa Maynila na nagkukulang sila ngayon ng medical staff matapos isailalim ang sa quarantine ang mahigit sa 500 nilang mga medical staff.
Una nang inanunsiyo ng UST sa pamamagitan ng kanilang website na The Varsitarian na kabuang 530 na mga hospital staff na kinabibilangan ng mga doktor, nurses, fellows, aides at residents ang isinailaim sa quarantine matapos umanong ma-expose sa ilang positive coronavirus patients.
Aminado rin naman ang ospital na kulang din ang kanilang pasilidad ng personal protection equipment para sa kanilang mga medical staff.
Noong nakaraang martes lamang isang COVID patient ang na-discharge sa ospital matapos na gumaling.
Tiniyak naman ng UST Hospital na kanilang tinutugunan na ang kakulangan ng kanilang workforce.
Samanatala, bilang kasagutan kinumpirma ng DOH na nakarating na rin sa kanilang ang problema ng UST Hospital.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire kanilang aalamin sa UST kung ano ang kanilang maitutulong sa naturang usapin.