-- Advertisements --

Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa mga drug manufacturer na huwag munang magtaas ng singil sa mga gamot.

Ito ay sa gitna ng kasalukuyang nararanasang taas presyo sa mga pangunahing bilihin sa bansa, partikular na sa langis.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi man kontrolado ng kagawaran ang presyo ng mga gamot sa bansa ay umaasa pa rin ito na hindi muna magtatakda ng dagdag presyo ang drug manufacturers.

Binigyang-diin naman ni Duque na walang gamot na inaangkat mula sa Russia at Ukraine ang Pilipinas.

Samantala, magugunita na una nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa ngayon ay wala pa rin itong nakikitang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing produkto sa bansa, at gayundin sa mga gamot.
Top