-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Health sa mga motorista na iwasan ang pagmamaheho ng lasing o naka inum para makaiwas sa aksidente.

Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng bahagyang pagtaas ng bilang ng mga nasasawing motorista dahil sa aksidente dulot ng pag-inum ng alak.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa , sa halip na mag maneho ng lasing ay mas mainam na ibang tao na lang ang italagang magmaneho.

Ito ay upang matiyak na magiging ligtas ang pag-uwi sa kani-kanilang mga bahay.

Batay sa datos, mga nagmamaneho ng motorsiklo ang madalas na masangkot sa aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing.