Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga Pinoy na nabakunahan ng Sinopharm’s COVID-19 vaccine na dapat maghintay sa payo ng mga eksperto kung aling brand ang maaaring gamitin para sa kanilang booster shot.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje hindi pa nagbigay ng rekomendasyon ang mga eksperto sa booster shots na gagamitin nila dahil kulang ng data ang nai-submit sa FDA kung ano ang maaaring ibakuna nila.
Aniya, magtatanong sila hindi lamang sa mga eksperto sa bansa, kundi pati na rin ang WHO, kung ano ang maaaring irekomenda ng Sinopharm booster.
Magugunitang si Pangulong Rodrigo Duterte ay nabakunahan ng Sinopharm jab.
Nakatanggap siya ng booster shot mula sa parehong brand, sinabi ng kanyang acting spokesman na si Cabinet Secretary Karlo Nograles noong unang bahagi ng buwang ito. base sa payo ng kaniyang doktor.