Umapelang muli ang Department of Health sa sa mga pasyenteng may leptospirosis na huwag mag siksikan sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at San Lazaro Medical Hospital at sa halip ay magtungo sa iba pang ospital.
Ginawa ng ahensya ang naturang panawagan matapos na dagsain ng pasyente ang dalawang nabanggit na pagamutan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Health Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo, maliban sa mga ito ay may kapasidad at kakayahan rin ang iba pang ospital na gamutin ang mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis.
Nanawagan rin ito sa publiko na kaagad magpakunsulta sa doktor kung nakakaramdam ng sintomas ang naturang sakit.
Mas mainam aniya na maiwasan na magkaroon ng komplikasyon dahil sa leptospirosis..
Maaari naman makipag-ugnayan o tumawag sa mga numero ng DOH Metro Manila at DOH central hotline.
Top