MANILA – Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na wala pa ring ebidensya na nagpapatunay sa pagkamatay ng ilang indibidwal matapos maturukan ng COVID-19 vaccine.
Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng ulat na may dalawang naturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang binawian ng buhay.
“Reports of fatal events does not necessarily mean that the vaccine caused the events. To date, no deaths have been linked to any of the vaccines that we are using in the country,” ayon sa DOH.
Hanggang sa ngayon, wala raw nakikita ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) na ugnayan sa pagitan ng mga bakuna at mga naitalang insidente ng seryosong side effect.
“Most of these events occurred in persons with multiple existing comorbidities. These include cardiovascular diseases, ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases, cancer, diabetes, and infections including pneumonia.”
Patuloy na hinihimok ng ahensya ang publiko na tumanggap ng ikalawang vaccine dose, para masiguro ang buong proteksyon laban sa COVID-19 infection.