-- Advertisements --
Wala pang naitatala ang Department of Health na bagong kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Kasunod ito sa pagdeklara ng World Health Organization bilang global public health emergency ang nasabing virus dahil sa pagdami ng kaso nito sa Africa.
Sinabi ni DOH Spokesperson Albert Domingo na hindi na nadagdagan ang bilang na siyam.
Huling kaso na naitala nila sa bansa ay noon pang Disyembre 2023.
Giit nito na naka-alerto ang kanilang Bureau of Quarantine lalo na sa mga turista na galing sa kontinente ng Africa.
Magugunitang nagtala ang Africa ng mahigit 15,000 na kaso ng Mpox kung saan mayroong mahigit rin na 500 katao na ang nasawi.