-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagmatigas ang Department of Health (DOH) Western Visayas na isailalim sa lockdown ang kanilang tanggapan.

Ito’y kasunod ng kautusan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, na i-lockdown ang kanilang tanggapan matapos nagkahawaan ng COVID-19 Delta variant ang kanilang mga empleyado.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Bea Camille Natalaray, spokesperson ng DOH Region 6, sinabi nito na hindi maaaring i-shutdown ang kanilang operasyon dahil ‘vital government agency’ ang nasabing ahensya.

Ayon kay Natalaray, gumaling na ang dalawang empleyado na nagpositibo sa Delta variant at halos isang buwan nang hindi nakabalik sa kanilang opisina.