-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga local government unit sa buong Panay sa gagawing paglibing sa mga bangkay na namatay sa COVID-19 sa Panay.
Ito ay matapos na napuno na ang nag-iisang crematorium sa Panay na tumatanggap ng bangkay mula sa Iloilo City at Province, Guimaras, Aklan, Antique at Roxas City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Daphynie Teorima, Medical Officer 3 ng DOH Region 6, sinabi nito na nararapat na 25 metros ang layo ng burial site sa mga residential area at malayo sa pinagkukunan ng tubig.
Nararapat rin na na-disinfect ang body bags at kung hindi naman kaagad na macremate, nararapat na ilagay ang bangkay sa refrigerator na 4 degree celcius ang temperatura.