-- Advertisements --
Nakatakdang ihirit ng Department of Justice (DoJ) prosecutors ang pag-isyu ng korte ng hold departure order (HDO) laban sa webmaster na Rodel Jayme na siyang gumawa sa isang website kung saan inapload ang serye ng Bikoy videos.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, posibleng hilingin ito ng DoJ kapag na-rafle na ang kaso ni Jayme.
Sakaling maglabas na ang korte ng HDO, aalertuhin ng DoJ ang Bureau of Immigration (BI) para i-monitor at pigilan si Jayme sakaling magtangka itong umalis ng bansa.
Kanina ay sinampahan na ng kasong inciting to sedition sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) si Jayme dahil pa rin sa pagkalat ng naturang video.
Sa ngayon ay hawak pa rin naman ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jayme.