-- Advertisements --

Aminado si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi kayang bantayan ng mga law enforcement authorities ng gobyerno ang lahat ng border ng bansa.

Ayon kay Remulla, masyadong malawak ang Pilipinas partikular na rito ang nasa mahigit 7,000 island.

Dahil dito, limitado lamang ang kakayahan ng Bureau of Immigration para bantayan ang mga indibidwal o grupo na gumagamit ng ilegal backdoor ng bansa.

Naniniwala ito na para palawakin ang kakayahan ng BI kailangang magkaroon ng mas maraming tauhan.

Ang tanging pumipigil lang aniya dito ay ang limitadong taunang national budget ng bansa.

Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng naging panawagan ni BI Commissioner Joel Viado sa mga lokal na gobyerno na tumulong sa pagbabantay sa mga border.

Ito ay dahil na rin sa mga insidente ng mga indibidwal na gumagamit ng mga ilegal backdoor para makatakas o makalabas ng bansa.